Ano nga ba ang una nating isinasagot tuwing tayo'y tatanungin ng "Ano ba ang maaari mong gawin upang mapangalagaan ang ating kapaligiran?" Hindi ba't isa lang ang karaniwan nating kasagutan dyan?, Ang "Ilalagay ko pa ang aking basura sa tamang lalagyan." Nakakatuwang pakinggan di ba? Sana nga ganon!
Ngunit hindi na lingid sa kaalaman natin lahat na ito'y pawang mga salita lamang.Polusyon na nanggagaling mismo sa atin ang siyang sumisira sa ating kapaligiran.Ang bawat pruweba ay makikita mo kahit san man tayo tumingin.Sa kaliwa o sa kanan ng bawat kalye, sa ating mga kabundukan, sa ating kailugan at maging sa hangin ay iyo ng mapapansin.Basura ang unang-unang dahilan ng pagkasira ng ating kapaligiran, ito rin ang nagiging sanhi ng palagiang pagbaha na siyang dahilan ng maraming sakit na di kalauna'y nagiging ugat ng pagkamatay ng karamihan at basura pa rin ang dahilan ng pagkawasak at pagkawala ng kabuhayan ng ilan nating kababayan.Ang mga basurang yan, sa atin nagmula di ba? Kaya't tayo rin ang dapat sisihin sa nangyayari sa atin.Kaya't kung ang disilina lamang sa bawat isa'y mapupunan, hindi na natin kakailanganin pa na magsakripisyo at magpakahirap. Ikaw..tamaan ka naman. Tigilan na sana natin ang sa pagsira sa ating "inang kalikasan."
Huwag na sana nating hayaan pang tuluyan masira ang ating kapaligiran. Bigyan sana natin ng pagkakataon na makasulyan ng isang magandang mundo ang mga susunod pang henerasyon, katulad na lamang ng malinaw sa tubig sa kailugan, isang luntiang kabundukan at malinis na hangin na malalanghap. Ito'y hinid lang natin gagawin para sa kabutihan ng ibang tao kundi ito'y para na rin sa ating sarili. Huwag sanang maging hanggang salita lamang tayo. Itapon sana natin ang basura sa dapat niyang kalagyan at hindi kung saan saan man. Maaasahan ba kita??
-NiƱa Kathryn C. Plata
1 comment:
ang gnda....pang environment ang talumpati....
-Jack Skellington
Post a Comment