Saturday, August 29, 2009
"Edukasyon, Pagpahalagahan"
Ano ba ang ibig sabihin ng pagtatapos ng pag-aaral?
Para sa akin ang pagtatapos ay hindi lamang pagkumpleto sa labin-apat na taong pag-aaral. Ito ay ang pagtataguyod ng isang matatag na pundasyong sapat para sa atin upang makabuo ng isang m agandang kinabukasan at magandang buhay.
Sinasabing ang edukasyon daw ay isang magandang pundasyon para sa matatag na republika. Nagpapahiwatig ito na ang ating Republika, upang maging matatag ay kailangan ng matatag at nagkakaisang mamamayan, may sapat na kaalaman, at produktibo.
Tayong mga kabataan ang sususnod na mga mamamayan ng ating bansa. At ako ay lubos na naniniwala na ang pagpapalawig ng edukasyon ang siya nating magiging armas tungo sa mataas na antas ng ating pamumuhay. Tayo dapat ang susunod na henerasyong huhubog sa kinabukasan ng ating bayan.
Kaya naman nalulungkot ako sa tuwing nakakakita ako ng mga batang gusgusing pagala-gala sa kalsada. Namamalimos, naglalako ng diyaryo, sampagiuta at kung minsan ay nagbebenta na rin ng aliw at mga nagdodroga. Dapat ay nasa paaraln sila kagaya natin. Nag-aaral. Kawawa naman ang mga batang ganito. Paano magiging pag-aasa ng ating bayan tayong mga kabataan kung marami sa atin ay nabubuhay sa lansangan at hindi nakakapag-aral?
Ang mga kabataang kagaya natin ay hindi nararapat sa lansangan lamang. Nararapat lamang na magkaroon tayo ng maayos na tahanan, maayos na pananamit at maayos na edukasyon. Sa pamamagitan ng edukasyon, malulunasan ang kahirapan ng ating bayan.
Marahil ang bawat isa sa atin ay hiindi pa napagtatanto kung gaano tayo kapalad sa buhay. Nakakapag-aral tayo at nabibiyayaan ng mga pang-araw-araw na pangangailanag. Maraming pagkakataon ang naghihintay sa tin spagkat nalininang at naturuan tayong maging huwarang mag-aaral at maging mabuting mamamayan sa hinaharap.
Kaya naman, sa ating mga kabataan..huwag nating sayangin ang pagkakataong ibinigay sa atin ng ating mga magulang upang tayo ay makapag-aral at magkaroon ng isang magandang kinabukasan. Mag-aral tayong mabuti bilang paghahanda sa hinaharap, at bilang tulong na rin sa ting bayan.
Maging huwaran tayo sa isa’t isa upang sa gayon ay ipagmalaki tayo ng ating mga magulang, mga kaibigan at ng ating bayan. Maglingkod tayo at maging ehemplo sa nakararami, upang makapag-iwan tayo ng isang magandangkontibusyong kikilalanin ng ating bayan at ng buong mundo.
--Maria Camille M. Kato--
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
8 comments:
ayos naman siya. pero parang may kulang pa din.
nc1 sana maintindihan nila khalagahn ng edukasyon.
matt
hmmm.. Pyter!! hehe.. ummm... kawawa nga naman ang mga batang nasa lansangan... hekhek sisihin natin ang gobyerno at ang kanilang magulang, yeah.. hehe,, kakâ
wow naks nman idol ang ganda ng mga titik n yung cnulat...hihihihi
bkit nga b patuloy kming dumadaming mga palaboy n bata?
apiR*
red rebon
tinafay
hmmm anu nga ba, kung iintindhin lang ng mabuti mki2ta kung pano at gaano khalga ang pag aaral,at sa pag ppahayg ng importansya ng pag aaral mllaman d2 n ito ang susi o gabay tungo pagging isang mabuting indibidwal at mmmyan pra sa ika2 uunlad ng isang bansa, "study first b4 annyting else" ...
truthhonesty
napakahalaga talaga ng edukasyon. Kung ang bawat mamamayan ng isang bansa ay edukado magiging maganda ang takbo ng ekonomiya ng bansa at sigurado ang pag unlad nito. Kaya lang sa realidad ang ating bansa ay mas nakakarami ang walang edukasyon..nakakalungkot pero ito ang malupit na katotohanan.. :(
nice..congrats!!!
maganda ang blog mo camille congats para d2 hehe!! oo alam ntin ok ang may pnagaral may mgandang edukasyon. pero pano sa mga bata n wala nmn pera pra maabot nila ang mga gole nila sa buhay wala nman librng edukasyon stin sa ngaun.aun andun n tayo sa gobyerno ntin puro kurat cguro tau n nga lng makakatulng para sau satin w/parents.. pag patuloy mo lng po yan hehe..t.c :p
Wow... kaw na ang nakapagsulat ng ganitong tagalog... whew nose bleed!! Dahil dito nirerespeto na kita bilag estudyante.. hehe.. Di na kita kukunin na kabanda baka masira pag aaral mo sakin... :)
Pero bakit mo ako pinapatamaan sa sinulat mo? haha. sige sa susunod na lang....
-L.
Post a Comment