Sunday, August 30, 2009

Paalam: Sa Ina ng Demokrasya-april dianne abayari



Magandang araw sa inyong lahat. Marahil ay batid ninyo kung bakit tayo natititpon ngayon. Bibigyan natin ng parangal ang isang taong nagsilbing daan upang makamit natin ang “Demokrasya” ng ating bansa. Siya ay walang iba kundi si dating Pangulong Corazon Aquino. Kung natatandaan natin nang mapaslang ang asawa niyang si Benigno “Ninoy” Aquino, namulat ang mga mata ng sambayanang Pilipino laban sa maling pamamalakad ng dating Pangulong Ferdinanad Marcos. Matapos ang tatlong taong pagkamatay ni Ninoy, tumakbo bilang presidente si Cory at siyang naging dahilan ng pagkakatalsik ni Marcos sa MalacaƱan.

Si dating Pangulong Aquino ay hindi lang masasabing presidente ng Pilipinas, siya ay maituturing ding ulirang ina at aktibo din sa pagtulong sa ibang Pilipino, kahit siya’y wala na sa pulitika.

Noong nakaraang taon, na-diagnose siya na may “colon cancer”. Mahirap ang pinagdaanan niyang proseso sa pagpapagamot ngunit dahil sa siya ay isang matapang at matatag na tao at dahil din sa suporta ng kanyang pamilya, pinilit niyang kayanin ang lahat. Ngunit isang araw, ginulat na lamang tayo ng balitang si dating Pangulong Aquino ay pumanaw na sa sakit na cancer. Hindi lang pamilya niya ang nagluksa at nagdalamhati, maging ang sambayanang Pilipino at maging ang iba ding karatig bansa ng Pilipinas.

Sa pagkamatay ng isang taong tinaguriang “Ina ng Demokrasya, sana’y magsilbi siyang inspirasyon sa ating lahat. Ipagpatuloy natin ang malinis at marangal niyang hangarin para sa makabuluhang pagbabago ng ating bansa. Ang pagbabago ay nasa kamay mismo nating mga Pilipino.

Kung saan ka man naroroon dating Pangulong Cory, salamat sa iniwan mong magagandang alaala. Paalam at muli, Maraming Salamat.

3 comments:

Anonymous said...

ang ganda..astig..talagang nagpapaalala satin tungkol kay Cory..gawa ka pa ng marami..

Anonymous said...

..wow..cory aquino.. hahah. ganda nian. galing gmawa ng talumpati..


kim bum.

Anonymous said...

hi, ang gnda nman ng talumpati mo..
sna mkagwa kp ng mdmi pra mdmi kng mainspire n mga tao..
gudluck sau..



♥mina♥