♥Anasell S. Fuellas♥
Tuesday, September 1, 2009
Kabataan,susi nga ba sa kaunlaran?
May mga nagsasabi na ang mga kabataan ang mag-aahon sa ating kahirapan. Pero totoo ba ito? Sa nakikita natin ngayon ang mga kabataan ang nalululong sa mga masamang bisyo gaya ng paggamit ng droga na talagang nakakaepekto sa ating kalusugan at natututo silang gumawa ng masama, marami ngayong kabataan ay sangkot sa pagnanakaw, sankot sa mga Fraternity-hazing at sa maagang pag-aasawa. Marami ngayong umuusbong na Fraternity sa ating bansa isa itong samahan ng mga kabataan na mayroon silang tinatawag na Founder o pinuno nila . Meron akong tinanong sa isang menor de edad na kasali sa ganitong fraternity, tinanong ko sa kanya kung ano naidudulot sa kanya nito. Ang sagot niya,nagkakaroon daw siya nang maraming kakilala at mga kaibigan. Pero sabi niya, bago naman daw siya makasali sa ganitong fraternity ay kailangan niyang mapabugbog sa fraternity niyang sasalihan para maging ganap na daw siyang kaanib ng grupo. Diba marami tayong naririnig na ganitong sitwasyon pero bakit pa nila nasasabing ang mga kabataan ang mag-aahon sa atin sa kahirapan. Kung silang mga magulang ang siyang nagpapabaya sa kanilang anak, kaya dapat nating gabayan sila sa kanilang paglaki upang hindi sila lumaking masama.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment