Saturday, August 29, 2009

PANGARAP


Lima taon gulang pa lang ako sinimulan kung mag aral. Upang tuparin ang akin pangarap at pangarap sa akiin ng akin magulang. Pangarap kong makatapos ng akin pag aaral,gusto kong baguhin ang takbo ng buhay ko, gusto ko makaahon sa putik na aking kinasasadlakan. Pangarap, libre lang ang mangarap. Ikaw, kayo, nangangarap din ba kayo? Kasabay ng pagtupad sa aking pangarap, nandyan ang mga balakid. Ako’y biglang nalingat naaliw at nagsaya. Ngunit biglang napaisip pangarap ko maaabot pa ba, kung ako’y laging magsasaya.? Madami ng tao ang sumubok mangarap pero ilan lang ang pinalad makamit ang kanilang minimithing pinapangarap. Ikaw hindi ka ba nagtataka kung bakit sa dami ng nangangarap iilan lang ang pinalad makamit ang kanilang pinakamimithi pangarap? Ako hindi na ako nagtataka dahil sa dinami rami ng nga balakid at pagsubok na kinahaharap ng marami. Hindi naman masama ang mangarap nga paulit-ulit, ika nga "libre lang ang mangarap" ngunit ang pangarap ay hind makukuha sa ganda at taas ng ating pinakamimithing pangarap. Ito ay ating mapagtatagumpayan kung itoy' ating paghihirapan at pagsusumikapan. At ako, hindi ako susuko. Pangarap ko, pangarap natin, tara sama-sama nating abutin.!!

-Joycell G. Toque

No comments: