Tuesday, September 1, 2009

Ako ang Simula


Ang kabataan, kalikasan para sa kinabukasan
Iwasan ang pagkakamaling ating naranasan
Oras ng magtubos, daigdig nati’y wag sayangi’t wag hayaang maubos
Oras na para kumilos
Magkapit bisig para sa daigdig
Mulat na kabataan ang sagot
Wag pasasangkot sa pinagbabawal na gamot!
Kundi gamitin ang talino
Maging tunay na bayani makabagong pilipino
Sulong kabataan ipakita ang lakas, tunay at wagas
Na pag-asa ng bukas

Mga kamagaral ko Mga kababayan ko Mga kapwa Pilipino May kasabihan nga “ang kabataan ay ang pagasa nang inang bayan”. Tayo raw ang maghahatid sa kanya sa langit ng kasaganaan at karangalan, o hihila sa kanya sa putik ng kahirapan at kahihiyan. Ang tunay na pag-ibig sa bayan, ang tunay na nasyonalismo, ay wala sa tamis ng pangarap, wala rin sa pagpag ng dila. Ang tunay na pag-ibig ay nasa pawis at gawa. Pagsikapan nating ipaunlad ang sariling bansa. Ang panahon ng pagkilos ay ngayon, hindi bukas, hindi sa isang taon. Kung sa murang edad pa lang ay malaman na natin ang kahalagaan nang pagiging taong may pag mamahal sa sariling bayan marahil sa kinabukasan ay masasabi na nang lahat nang nakataas ang noo
"Ako ang simula"

3 comments:

Anonymous said...

naks! naman,ang galing ha, kaw ba talaga gumawa nyan?

Anonymous said...

..woo ang ganda.. sna ikaw nga ang maging simula para sa kinabukasan nting mga kabataan.. heheh.


-bubbles-

abieullom said...

Harrah's Casino & Resort Southern California - JTM Hub
JM's 공주 출장마사지 Resort Southern California: Enjoy a stay at Harrah's Southern California, where fun, friendly service 파주 출장샵 and 안산 출장샵 top-notch 인천광역 출장안마 customer service 보령 출장안마 make Harrah's Resort