Monday, August 31, 2009

Buhay pa ba ang pagkakaisa, gaya noon?


Buhay pa ba ang pagkakaisa gaya noon?

Ano nga ba ang pagakakaisa? Ito ba ay ang pakikipagsapalaran sa ating bansang minulatan?

Ang tunay na kahulugan ng pagkakaisa ay hindi ang pakikipagsapalaran kundi ang pagiging mabuting mamamayan at may pag-ibig sa ating sariling bansa. Kung ang bawat isa’y may ganitong paninindigan marahil ang salitang pagkakaisa ay ating muling makakamtam. Dahil sa ngyon iilan na lamang sa ating bansa ang may pagkakaisa. Marami nang pangyayari dito sa ating bansa ang walang pagkakaisa. Tulad na lamang ng sa pulitika ng ating bansa. Na siya sana na namumuno sa pagkakaissa ng bayan. Ngunit, marami ang nagkakasiraan ng pangalan, dahil sa pag-aagawan lamang ng pwesto at kapangyarihan. Kaya sana sapat na ang ganitong halimbawa para muling baguhin ang ating sistema ng pulitika. Kailangan na tayong mamulat. Kailangan natin pairalin ang pagkakaisa para sa ikabubuti ng ating bansa.

Kaya mga kababayan ko! Ngayon na ang panahon ng pagbabago. Hindi bukas, hindi sa isang taon kung hindi ngayon. Kikilos tayo para sa pagakakaisa ng lahat tungo sa ikauunlad at pagbabago ng ating bansa.

AKO ang simula!


by: Nover Echon

3 comments:

Anonymous said...

pre maganda nmn infairness! ang lufet!!!


"Minandro"

melissa said...

ahhmm..nakakatuwa ang iyong talumpati may talent ka .. godbless syo patuloy mo lng ang pag gawa mo ng talumpati..

Anonymous said...

aba!auz ahH..my future kng maging writer,pag buthin moH pa,mkKmit moH rN yNg pangarap moH...WHAHAHAHAH....

NYA-HA!

-tHe poWeR pOp BoyZ...