Sunday, August 30, 2009

“EDUKASYON”

(Talumpati ni Ma.Eliza Malibago)


Ang edukasyon... “Ito lamang ang aking tanging yaman na hindi mananakaw na sinuman!” Ito ang katagang laging sambit sa akin ng aking mapagmahal na ina. Pero mahalaga ba talaga ang edukasyon? Bakit? Bakit ito mahalaga?... kapag marunong kang bumasa at sumulat ay sapat na iyon!” Ito ang sabi ng ilan. Sa unang pagtungtong ko sa paaralan, ano nga ba ang aking natutunan? Oo,ang pagbasa’t pagsulat! Iyan ang aking natutunan pero sapat na nga ba ito? Pwede na nga ba akong makakuha ng magandang trabaho sapagkat taglay ko na ang mga bagay na ito? Tiyak na hindi! Marami dyan na kumuha at nakatapos ng mataas na edukasyon, pero ano? May nakuha ba silang magandang trabaho?... oo, ang edukasyon ay mahalaga rin naman sa paanoman. Tama,hindi nga ito mananakaw ng sinuman pero hindi ito garantiya sa ating magandang kinabukasan… masayang mag aral, masarap matuto kasama ng iyong mga kaibigan. Hangad ko ang matapos ang aking kinuhang kurso, mapasaya ang aking mga magulang dahil hindi ako nagsayang ng dugo’t pawis na kanilang pinuhunan.

8 comments:

Anonymous said...

aus ah..ang ganda..nakakainspire sa mga kabataan..sana madami pang makabasa nito..


-joanne

Anonymous said...

nakzzz! nasan si kabataan?? hahah. galing gumawa ah!!! pede ka ng maging writer!!


mcdonalds.

Anonymous said...

..ganda..ah! ky ba tlaga gmawa nian.. hehehe

Anonymous said...

maganda ang gawa mo,pero ikaw nga ba talaga ang gumawa nan?..hehe..jike lang..alam ko namang magaling ka talaga..gawa ka pa ng marami para sumikat ka..hahaha


-lady

Anonymous said...

.asssus! makatotohanan ba yan?heheh nainspire ako sa talunpati mo... ang ganda kasi ihh.. sana marami pang makabasa... ingat ka lage..

karl04.

Anonymous said...

nice naman.. GAliNg ahh! dahil sa sinabi mo magAAral na ako mAbuti..hihih. ibabasa mo sa iba pang kabataan ha.. tiyak matutuwa rin sila..

"ZOTY"

Anonymous said...

amh. ganda ng talumpati.. ah. kahit maikli lang may matutunan.. dahil sa nagbasa ko maraming pumasok sa isip ko.. nagustuhan ko talaga.,., congratZZZ!

shiela.

Anonymous said...

ayan ha nabasa ko na ha. sabi mo kc basahin ko eh..hehehe. sa totoo ang talaga maganda yung gnawa mong talumpati.. ayus as tungko sa EDUKASYON. Maraming maiinspire pag nabasa nila. gawa ka pa ng madami ha.heheh. basta maganda talaga:)


==pHilip==