Saturday, August 29, 2009

"Global Warming o Pagbabago ng Klima sa Mundo"

Alam nyo ba ang kawikaang "Kung ano ang iyong itinim, siya mo rin aanihin"? Halimbawa nito ay ang walang habas na pagtatapon ng basura sa ating mga kanal at ilog, tiyak baha ang ating makukuha o kapalit.

Kung mapapansin natin sa mga nagdaang araw,buwan at taon ng mga kalamidad na nangyari dito sa bansa at maging sa buong mundo ay patuloy sa pagiging malupit at mapaminsalang kalikasan sa ngayon.Tulad halimbawa ng bagyo,lindol,tsunami at biglaang pagtaas ng temperatura at iba pang kalamidad na maiuugnay natin sa patuloy ng pagbabago ng klima sa mundo.

Malaki ang kaugnayan ng tao sa tinatawag nating Global Warming at kasabay ng patuloy na pag-unlad ng ating pamumuhay at patuloy na paggamit ng tao sa makabagong teknolohiya ay kasabay din na nasisira ang ating kalikasan tulad ng patuloy na pagdami ng mga sasakyan,mga pabrika na nagbubuga ng maitim na usok o carbon monoxide o pag-uuling na nagreresulta ng carbon dioxide na sya namang sumisira sa ating ozone layer.Ilan lang yan sa mga halimbawa ng pagbabago ng klima na kaugnay ang tao.

Marami tayong magagawa upang kahit papaano di man tuluyang maibalik sa dati ang tamang klima sa mundo,maibsan man lang o mabawasan sa pagkakaron natin ng tamang disiplina sa sarili at tamang paggamit ng kalikasan.

Mahalin natin ang ating likas na yaman sa pakikiisa natin sa mga programa ng pamahalaan na naglalayong mapangalagaan ito. Salamat po...

--Micah Iryse Reyes

10 comments:

Anonymous said...

ok! good! global warming! dapat yan talaga ang tutukan ng mga tao ngayon. hehe..

renald pimentel said...

ang ganda ng gawa mo!!dapat nga pangalagaan natin yung kapaligiran natin no!pwede ako rin hehehe!joke lang.

maria grace delos santos said...

ayos lang para sakin yung pagkakagawa mo!ok!,nature lover ka ba?

jessielyn suba said...

ok ang pagkakagawa mo kaso dapat medyo hinabaan mo pa kasi medyo bitin ako pero maganda ang pagkakagawa mo.

brazil ocampo said...

wow!ang galing naman kasi naipaliwanag mo ng maayos ang talumpati mo at naiparating mo na sumali ang mga kabataan sa mga programa ng ating pamahalaan.

jessielyn said...

go girl! ang galing mo talaga,ipagpatuloy ang pagigimagaling.

jovial said...

ang ganda naman ng gawa mo.talagang patama sa mga nagdedeforestation.

kris said...

hmm..ang galing dapat talagang pangalagaan yung kpaligiran natin para hindi na nagkakaroon ng climate change..

abegail said...

ang galing maayos mong naipaliwanag yung gawa mo keep up the good work.

cathleen said...

global warming should the top topic that everyone is looking forward for.