Friday, September 4, 2009










Pagkabigo

Simula pagkabata naging larawan na ako ng Tagumpay
Meron akong hindi ko maipaliwanag na instinct, o kakayahan na kahit wala naman akong ginagawa nagtatagumpay pa rin ako sa aking gustong mangyari
Halimbawa nito any noong elementary ako ay lubos na hindi talaga ako nagaaral
Hindi mo man lamang ako makikita na magbuklat ng kahit anung babasahin
Hanggang dumating ako ng 2nd year high school hindi parin ako nag-aaral ng mga pinagaaralan namin sa eskwela
hindi ko maintindihan pero kahit mag cutting classes na ako ay hindi parin ako nabagsak

Meron ba akong kapangyarihan??? o talagang swerte lang talaga ako???
Kung ako ang tatanungin mo mismo, sasabihin kong dahil lamang yon sa diskarte ko
masasabi kong madiskarte ako sa lahat ng bagay
Lahat ng ginagawa ko sa pang araw-araw ay hinahaluan ko ng diskarte


"I never look back"
Dahil dito napapanatili ko ang aking sarili para magpatuloy ng walang alinlangan at dumaretso patungo sa aking pangarap at sa hinaharap
meron nga akong nakitang kataga sa palabas na "keep moving forward"
Daredaretso lang.


Ngayong 1st year college na ako ang mga bagay ay nagsisimula nang hindi tumakbo sa aking kagustuhan.
Pagkabigo ay dumadating na sa akin paisa-isa, minamalas na ata ako
Pero hindi ko ito pinapansin just keep moving forward
I look at Failure in a different way
Ang pagkabigo ay isang aral lamang para sakin.
Isang munting hakbangin patungo sa tagumpay

Ngayon matibay na ako alam ko kahit sinasabi ko at ng iba na talagang swerte ako alam ko na madadapa din ako
"Nobody's Perfect" lahat tayo ay ay taas at baba
Gayahin nyo po ako
Harapin natin ang mga problema
Salubungin natin ang Tagumpay
Nothing can stand in your way
Sabay sabay nating harapin ang pinaka asam-asam at gustong makamit na....
TAGUMPAY!

Salamat po.

1 comment:

jello said...

hindi ka pa nga nakakatapos ng 1st semester ng 1st year,4th year college ka na agad,konting pagkakamali ay naiiba na ang kahulugan nito.Nakakaawa ang istorya mo pang MMK ipadala mo sa MMK mag kakapera ka pa!