Ang Pilipinas ay sagana sa likas na yaman. Ang nakasaad sa mga aklat tungkol sa ating bansa, nasa Pilipinas ang ilang magagandang tanawin na maipagmamalaki, mga kakaibang likas na yaman na kamangha-mangha at ang mga matatalino at talentadong mamamayan at kabataan.
Ngunit sa kabila ng magagadang katangian meron ang pilipinas, Bakit lugmok pa rin ito sa kahirapan? Sino ang dapat sisihin? Ang mga binigyan ba ng kapangyarihan mamuno sa mga mamamayan? O ang mga pilipino na hindi marunong sumunod at magpahalaga sa batas? Baka naman ang mga kabataang kinabukasan? Nasaan na ang pagkakaisa ng mga Pilipino? Wala na….
Umusad nga ang ating ekonomiya, pumaimbulog ang mga bagong tuklas ng siyensya ngunit tila wala pa rin kaunlaran na nagaganap.
Ang mga bingyan ng kapangyarihan mamuno na dapat sana ay tutulong sa ating inang bayan ang siya pang nangunguna sa paglabag sa batas. Nilulustay ang pera ng bayan na mas may patutunguhan kung gagamitin sa ikauunlad ng bansa.
Ang mga propesyonal na dapat ay isa sa aahon sa pagkalugmok ng ating bayan ay unti-unting nawawala dahil sa kakulangan ng trabaho at di sapat na kita. Sila ay naglilipana papunta sa ibang bansa. Sila na dapat sana ay nagbibigay ng magandang pangalan sa pilipinas sa ibang bansa na naninirahan.
Ang mga mamamayan na dapat sana ay tumutulong sa kaunlaran at katahimikan, sila pa ang nagdadala ng gulo sa ating bayan.
Ang mga kabataan na tinaguriang pag-asa ng bayan, tila wala na sa mga lansangan, sa mga sakayan ng jeepney at bus, diba at nakikita natin silang namamalimos? Na sa murang edad ay nababanat at nasasabik na ang kanilang buto sa kahirapan at kadalasan nagdudulot sa kanila ng maling kaisipan at masasamang gawa. Dapat sana ay tinutulungan natin sila na makapag-aral ng sa gayon ay may magandang patutunguhan ang kanilang buhay at magkaroon ng tunay na kahulugan na ang kabataan ang pag-asa ng ating bayan.
Sino ang tutulong sa ating inang bayan na umahon sa pagkalugmok nito sa kahirapan? Tayo! Tayong lahat, hindi lamang ang mga kabataan na ating inaasahan, hindi lamang ang mga binigyan ng kapangyarihan mamuno sa atin, kundi lahat ng mamamayan ng Pilipinas. Muling buhayin ang pakakaisa nang sa gayon makamit natin ang hinahanap na katahimikan at kaunlaran.
--Hainnah G. Padugar
1 comment:
"" WOW NASAN KA KAUNLARAN ""????
WHAHAHAHAHA !!!!!!!!!!!
PARANG WONDER MOM A!!!!!!
nasaan nga ba? hahahaha
clezm8'z _04_
Post a Comment