Mga ginigiliw na tagapakinig, napanood ba ninyo ang pelikula nina Vilma Snatos at Claudine Barreto na pinamagatang "ANAK"? Isang kwento ng magulang na natiis na magtrabaho sa ibang bansa upang matustusan ang anak. Subalit naging rebelde ang anak at nilustay lamang ang pinaghirapan ng kanyang ina.
Isa lamang ito sa mga pangyayaring tunay na nagaganap sa buhay natin. Marahil napapansin natin ang ilang kabataang naninigarilyo, umiinom ng alak at nagsusugal. At pinakamasaklap sa lahat ay gumagamit ng bawal na gamot. Ang ilan ay nagbubulakbol sa eskwela. Sa halip na pumapasok ay nasa mall o nasa computer shop lamang.
Sana'y maisip ng mga anak ang pagpapagal ng mga magulang na sa bawat sigarilyong kanilang hinihithit at alak na kanilang iniinom ay iyon ang dugo't pawis ng kanilang mga magulang.Ilang pagkain ang kanilang hindi kinain at sariling pangangailangan ang hindi binili, mailaan lamang ang salapi para sa pngangailangan ng kanilang mga anak. Sila ay nagsisikap para sa kanilang anak upang magkaroon ang mga ito ng magandang buhay.
Subalit nakalulungkot isipin na maraming mga anak ang hindi nagpapahalaga at kadalasa'y hindi nila nakikita ang pagpapagal ng mga magulang. Nais kong makintal sa isipan ng mga anak ngayon na pagdating ng panahon, tayo ay magiginga magulang din. Darating ang panahon na mararanasan din natin ang hirap na kanilang dinadanas kung tayo ay magpapabaya ngayon. Saka lamang natin mauunawaan ang tunay na kahulugan ng pagiging isang magulang. Mga anak na tulad ko! pahalagahan natin ang pagpapapgal ng ating mga magulang. Magsikap tayo habang maaga pa nang sa gayon, tayo ay maging matagum,pay sa pagdating ng panahong tayo ay mga magulang na at maging magandang ehemplo sa ating mga anak.
-- Joy B. Ortega
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
5 comments:
Ayos ang ganda ng talumpati mo!tinatamaan ako grabe!!!!!
mahal ko mga magulang ko kaya naman talagang tama lahat ng sinabi mo!..keep up!
-evelyn jacinto
hay naku!tama ka dyan sa sinabi.dapat lang talaga na suklian natin ang hirap ng ating mga magulang!
AYOS TALUMPATI MO AH! ANG DAMING TINATAMAAN.HA! HA!ISA NA AKO DUN,OUCH!!!
wow! galing gumawa ng talumpati ahh. sana marami pang makabasa... para marami pang matauhan...
CONGRATZZZ!!!
=+ROmALYN+=
Post a Comment