Saturday, August 29, 2009
Malapit na ang eleksyon, ,marami sa atin ang mayroon ng kandidatong na pipisil upang maging pinuno. Pero pano ba talaga ang pag pili ng mahusay na pinuno?? Ito ba ay sa pagtingin ng estado sa buhay? , sa antas ng pinag aralan? , narating sa buhay? O dahil kamag anak natin?.
Ilan lamang yan sa mga batayan natin sa pag pili sa ating mga pinuno.
Pag ang pinuno ay corrupt nais nating palitan ng bagong pinuno na matino lamang sa umpisa ngunit sa kalaunan’ay magiging corrupt din pag lipas ng panahanon ng kanyang panunungkulan. Hindi ku sinasabi na ang lahat ng mga kandidato ay corrupt kaya kailangan nating maging mapanuri pag dating sa bagay na katulad ng pag pili sa ating mga pinuno.
Sa aking pananaw walang magaling na pinuno hanggat lahat tayong mga pilipino ay hindi marunong sumunod sa ating mga batas. Na ang karamihan sa atin ay pilit sinisisi ang kahirapan sa gobyerno hindi din ba natin na isip na imbes na tayo ay mag welga ay pag butihin na lang natin ating trabaho? Na imbes na gumawa ng masama upang maka lamang sa iba ay mag hanap ng matinong trabaho? At sa mga kabataan, wag nating isa walang bahala ang edukasyon hindi matutumbasan ng kahit anong bisyo ang kaligayahan pag ikaw ay may narating sa buhay. Wag mong hayaang masira din ang buhay ng iyong magiging mga anak.
kaya ngayong darating na eleksyon bago natin hanggarin ang isang malinis at maunlad na bayan, simulan natin ang pag babago sa ating mga sarili dahil ang bayan na maunlad ,masagna at masaya ay bayan ng mga nag kakaisa. Maraming salamat po
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
6 comments:
ako ay lubos na naligayahan sa aking nabasa napaka praktikal ng paraan ng iyong pagsulat "direct to the point" ika nga... at napakamakabuluhan... naway marami pang maantig sa tindi ng iyong mensahe...
-Alehandro Biglanglake-
wow pre kaw ba yan?? ang lupit nung meaning!! kung sabagay may point ka naman na talagang dapat mag kaisa tayo sa pag lilinis ng ating bansa.
>lucas<
hoy tonton hindi bagay sau ung talumpati!! hahah piz men!! pero ang ganda nung talumpati mu huh!!
(<>v<>)
()( )()
((,,))
freddy ben
sa aking natunghayan...este nabasa pla...isang napakagandang talumpati at talgang kapu2lutan ng aral...dapat nga namang sa sarili simulan ang pagbabago...
kaya ako mismo ang susunod sa talumpati ni mighty meaty earl
ton sino ka jan sa dalawa????
hahah ang lupeet!! astig
^danry^
Post a Comment