Saturday, August 29, 2009
"Maagang Pag-aasawa"
Mga kababayan, hindi kaila sa atin ang suliranin ng ating bayan. Ito ay ang maagang pag-aasawa ng ating mga kabataan. Minsan ba naitanong natin sa ating mga sarili kung saan o kung anu-ano ba ang pinagbuhatan ng maagang pag aasawa ng mga kabataan?
Siguro nga hindi natin lubos na maisip sapagkat may kani-kaniya ring suliranin ang bwat pamilya. Kaya’t hindi natin pinagtutuunan ng pansin ang ganitong problema ng ating bayan. Iniisip ng ilang mga kabataan na masarap, masaya kapap ginawa nila ang bagay na tanging mag-asawa lamang ang gumagawa nito. Alam niyo naman siguro mga kababayan kung anu ang aking tinutukoy.
Oo nga’t masarap, pakiramdam mo nasa langit ka subalit pag nariyan na ang responsibilidad ng pagiging isang ina’t isang ama, saka lamang nila mauunawaan ang pagkakamali na kanilang ginawa. Nakakalungkot isipin na meron naman ibang kabataan na masolusyonan lamang ang kanilang problemang kanilang kinakaharap ay ipapa-abort nila ang sanggol na walng kamalay-malay. Akala nila dahil doon ay matatapos na, ang hindi nila alam, hindi lamang sila nagkasala sa mata ng tao ngunit higit sa mata ng Panginoong Diyos. Hindi lamang yon, susundutin din sila ng kanilang konsensiya. Isa pa sa nakalulunos ring isipin ay kung ano ang kahahantungan ng kinabukasan ng kanilang magiging supling, sapagkat hindi man lamang nakatapos sa pag-aaral ang kaniyang mga magulang.
Sana nga kababayan, naiisip ito ng mga ilang kabataan na nalilihis ng landas. Kaya nga kababayan, lalong higit sa mga mahal na magulang, sama-samsa po tayo sa pagsugpo sa ganitong uri ng problema ng ating bayan. Ang naiisip ko pong hakbangangin ay ipaliwanag natin sa kanila ang masamang bunga ng maagang pag-aasawa. Halina mga kababayan, tayo’y magkumahog sa pagsulong ng ating adhikain upang mailayo ang ating mga kabataan sa maagang pag-aasawa.
--Arlene E. Tiongson
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
6 comments:
tama un dapat nga hindi mag-asawa ng maaga mahirap ang buhay ngayon no!!!!
maganda ang talumpati mo dahil may concern ka sa kapwa mong kabataan,sana lahat ng makabasa ng talumpati mo ay magkaroon ng lesson upang di sila makapagasawa ng maaga.
ANG GANDA NG GINAWA MONG TALUMPATI MO FREND!DA BEST TALAGA.
thank you po sa inyo dahil ako po ay nagkaroon ng idea para sa aking ginagawang research .
Nagngina gamen ti bagas tattan. Mayat balet ti kasta nga aramid yo. Nakaim`inas
Hi guys hehe
Post a Comment