Tuesday, September 8, 2009
Panahon
May ginagawa ka ba?
Naiinip ka na ba?
Sa ngayon sinasabi ko sayo mag isp-isp ka na.
Dahil sa huli ikaw din ang magdurusa.
Kay bilis ng mga taong lumipas parang kailan lang kung ating babalikan ang ating mga nakaraan na
may saya't lumbay.Na waring tinangay ng malakas na alon at malaking aoln.
Panahon,panahon,.... kay halagang bagay sa mundo.Na siyang sumaksi sa pagsilang mo sa mundong
ito At sa pag-agos ng nito,walang sinoman ang nakasisigurado.Dahil tulad ng panahon ang buhay ay limitado.Sa bawat bagay na ating gagawin ay nangangailangan ng marapat na panahon,at kung hindi natin pag-iigihin ay magmimistrula itong isang dahon,dahon na walang kasiguraduhan kung kailan manunuyot at malalgas at tuluyang maglalaho.
Sa pagkakataong ito,ako bilang isang toa sa mundo.Na nakakita sa mga pangyayari ngayon,nalaman ko sa ilang pagkakataon kung aon ba talaga ang ibig sabihin ng panahon.
Ngayon kung ako'ynaunawaan mo,sana dumating ang oras na wala kang sayanging panahon ,para gawin ang mga bagay na dapat na gawin.
Nawa'y ang panahon na nilaan mo sa pakikinig ng talumpati ko at maging makabuluhan at magamit mo. SALAMAT........
Monday, September 7, 2009
Friday, September 4, 2009
Thursday, September 3, 2009
Kabataan, sa kasalukuyang panahon
Sa mga tagapakinig, nais ko lamang ipabatid na ang kabataan ay ang susi para sa kaunlaran.
Bilang isang kabataan sa kasalukuyang panahon, malaki ang mga nagiging hamon ng buhay sa pagdaan ng panahon. Maraming mga balakid sa pagabot ng bawat pangarap. Masasabi kong hindi madaling gawin ang lahat na ating naiisin. Alam naman nating lahat na malaki ang papel ng bawat kabataan sa ating bansa. Ngunit di natin hawak ang bawat isa. May mga kabataan na naliligaw ng landas at napapariwara. Marami rin ang walang pakialam sa mga nangyayari sa ating bansa. Ano nga ba ang ekspetaksyon na mga nakakarami sa mga tulad naming kabataan? Hindi bat’ ang tanging papel lang naming sa mundong ito ay mag-aral , magtapos, magtrabaho at pagkatapos noon ay pwede na naming gawin ano mang naiisin naming gawin.
Ngunit nagising ako sa katotohanan, Hindi lang pala kami basta kabataan. Marami tao o mamayan ang umaasa sa amin at naniniwala sa aming kakayahan. At bilang isang mabuting kabataan ay hindi naman dapat biguin ang mga taong nagtitiwala sa amin.
Sa paglipas ng panahon, iba na talaga ang kabataan sa kasalukuyang panahon. Marami man ang walang pakialam , nangingibabaw pa rin ang kabataang may pagmamalasakit sa ating bansa .Isa itong malaking hamon para sa bawat isa na dapat gawin at patunayan upang umunlad ang ating bansa .
Ang kabataan ay magiging sandalan ng bawat mamamayan kign patuloy na pagsisikapan ng bawat isa ang pagpapaunlad sa ating bansa. Dapat nating tandaan na ang kabataan sa kasalukuang panahon, ang magpapaunlad sa sussunod na henerasyon.
-Donita Rose F. delos Reyes-
Wednesday, September 2, 2009
Ang Kabuhayan Noon Kumpara Ngayon
Ang Kabuhayan ng ating Bansa noon ay mas madali kumpara
ngayon. Ang Kabuhayan noon ay simple, kahit ang mga
taong hindi nakapagtapos ng pag-aaral ay nakakahanap
ng maayos na kabuhayan, halos lahat ay masipag at matiyaga,
hindi tulad ng mga tao ngayon, sila'y nagbabanat ng buto
upang mabuhay.
Ang Kabuhayan naman ngayon ay mahirap.
Ang mga taong hindi nakapagtapos ng pag-aaral ay
nahihirapan maghanap ng matinong trabaho, ngunit
lahat ng nakapaghanap ng trabaho at nakakaupo sa
pamboliko man o pribadong trabaho ay karapat-dapat.
Sinisikap nilang lumago ang ating ekonomiya kahit ito'y
pababa ng pababa. At ang kabuhayan ngayon ay mas napadali
dail sa teknolohiya na magaling hindi tulad noon.
Ngunit ang Kabuhayan noon at ngayon ay parehong importante,
dahil ang kabuhayan noon ay pinagkukunan ng inspirasyon at
dito binabase ang pag-unlad ng ating kabuhayan. Pareho ang
mga kabuhayang ito, baho makamit ng tao ay pinagsisikapan
at kailangan, ang tao'y matiyaga
-John Eidref Ramiro
Tuesday, September 1, 2009
Kabataan,susi nga ba sa kaunlaran?
Bayan
Ang ating mga ninuno'y sadyang mga pilipino,hindi lamang sa salita pati na rin sa puso't diwa.
Ako ang Simula
Iwasan ang pagkakamaling ating naranasan
Oras ng magtubos, daigdig nati’y wag sayangi’t wag hayaang maubos
Oras na para kumilos
Magkapit bisig para sa daigdig
Mulat na kabataan ang sagot
Wag pasasangkot sa pinagbabawal na gamot!
Kundi gamitin ang talino
Maging tunay na bayani makabagong pilipino
Sulong kabataan ipakita ang lakas, tunay at wagas
Na pag-asa ng bukas
Monday, August 31, 2009
KALIKASAN
Ang ating mundo at patuloy na umiikot, ngunit sa bawat pag-ikot nito maraming pagbabago ang nangyayari sa ating kapaligiran. Anu-ano nga kaya ang mga pagbabagong nangyayari sa ating paligid at kalikasan.
May mga bagay na hindi natin naiisip na malaki pala ang epekto sa ating kalikasan at pamumuhay tulad ng mga kalamidad na ating nararanasan halimbawa nito ay ang kagubatan na unti-unti nang nakakalbo dahil sa mga illegal loggers na pumuputol ng puno ngunit hindi pinapalitan bunga nito pag lumakas ang ulan mawawalan ng mga puno na sisip-sip sa tubig, magkakaroon ng landslide or flashflood nasisira ang ating mga bahay at kung minsan pumapatay pa sa ating mga kababayan. Ang ating bughaw na langit na ngayon ay unti-unti ng nasisira dahil sa maruming usok ng mga sasakyan at pabrika na nagiging dahilan ng pagkasira n gating ozone layer kung patuloy na masisira ito maraming karamdaman ang atig makukuha dahil sa sobrang init nagkakaroon tayo ng global warming.
Samantalang an gating mga karagatan naman at unti-unti na ring nasisira ang mga isda ay nawawala na dahil sa walang tigil na pangingisda pati maliliit na isda ay hinuhuli na rin minsan gumagamit na din sila ng dinamita, dahil ditto nasisira na ang mga corak shelf na tirahan ng mga isda at ang mga basura na tinatapon ng mga tao sa karagatan ay isa sa mga dahilan ng water pollution dahil dito namamatay ang mga isda sa ating karagatan.
Sa inyong palagay anu na kaya ang mangyayari sa ating kalikasan sa darating na mga taon. Kung patuloy ang ganitong Gawain ng tao.
Buhay pa ba ang pagkakaisa, gaya noon?
Buhay pa ba ang pagkakaisa
Ano nga ba ang pagakakaisa? Ito ba ay ang pakikipagsapalaran sa ating bansang minulatan?
Ang tunay na kahulugan ng pagkakaisa ay hindi ang pakikipagsapalaran kundi ang pagiging mabuting mamamayan at may pag-ibig sa ating sariling bansa. Kung ang bawat isa’y may ganitong paninindigan marahil ang salitang pagkakaisa ay ating muling makakamtam. Dahil sa ngyon iilan na lamang sa ating bansa ang may pagkakaisa. Marami nang pangyayari dito sa ating bansa ang walang pagkakaisa. Tulad na lamang ng sa pulitika ng ating bansa. Na siya
Kaya mga kababayan ko! Ngayon na ang panahon ng pagbabago. Hindi bukas, hindi sa isang taon kung hindi ngayon. Kikilos tayo para sa pagakakaisa ng lahat tungo sa ikauunlad at pagbabago ng ating bansa.
AKO ang simula!
by: Nover Echon
siMLan NAtin AnG paGbAbaGo
“TAYO MISMO: HINDI LANG AKO”
Alam mo ba ang nangyayari sa lipunang ating ginagalawan ngayon?
May pakialam ka ba dito, o wala lang na parang isang bulag sa kamunduhan? Minsan ba naisip mo na ang mga pangyayaring ito ay nakaka-apekto sa isang tulad mo? Hindi lang ikaw pati na din ako at lahat ng mga tao sa mundong ito. Ang mga balitang iyong naririnig, nababasa at napapanood ay isa sa bahagi ng lipunang ating ginagalawan, Mga balitang nalalaman natin sa pamamagitan ng mga tagapag-ulat. Ang mga balitang nagbibigay sa atin ng kaalaman, mga pangyayari dapat nating malaman lalong lalo na sabulok na sistema ng ating bansa o sa mga taong namumuno sa ating pamahalaan,bilang tao karapatan nating malaman ang ano mang pangyayari sa nagaganap sa ating pamahalaan. Pansin nating lahat na ang sistemang pang-pulitikal at isang problemang napakalaki na nahaharap ng sambayanang Pilipino. Paano natin maaksoyonan ang isang tulad nito? Sobrang hirap na hirap na ang ating bansa sa sangkatutak na pangungurakot at pagnanakaw ng kaban ng tipan, mga opisyal ng bayan na wala man lang kahihiyan sa taumbayan ang isang nangunguna sa mga bulok na gawain na ito, hindi pa huli ang lahat para maaksoyanan natin ang problemang ito, malapit na naman at papalapit na ang halalang bayan,panay-panay at sunod-sunod ang pagpapapogi ng mga kakandidato bilang pangulo, panay ang pangako, ang tanong eh, totoo naman ba? O pagnakaupo na sa pwesto eh tuluyan ng mga mapako ang mga pangakong binitiwan ng magaling nyong pangulo. Nakakatawa hindi ba? Magaling lang sa una, “NINGAS KUGON”” isa sa pangit na ugaling Pilipino na dapat baguhin ng mga pulitiko kaya naman ating aksyonan ang mga ito kung magkakaisa at magtutulong-tulong tayo.
Sa dami ng mga kabataang katulad ko, marahil tayo na ang nagiisang sagot sa problema, kelan pa ba natin uumpisahan, bukas? Sa makalawa? Sa isang lingo? Kahit pede naman ngayon na. Sabi nga ni Rizal na “ANG KABATAAN ANG PAG-ASA NG BAYAN” hahayaan nalang ba natin na masira ang mga pangarap ng ating mga magulang? Syempre hindi di ba? Tayo mismo ang kumilos para sa pagbabago, alam ko at naniniwala ako na tayo ang daan at simula ng magandang kinabukasan ng ating bansa, wag mo isipin na wala kang pakialam, o wala kang magagawa para sa bayan, ikaw! May magagawa kang napakalaki kung boboto ka at magpaparehistro ka. Umpisahan mo sa sarili mo ang pagbabago.TAYO MISMO, HINDI LANG AKO.
-=Aljon S. Leal=-
Sunday, August 30, 2009
“EDUKASYON”
Ang edukasyon... “Ito lamang ang aking tanging yaman na hindi mananakaw na sinuman!” Ito ang katagang laging sambit sa akin ng aking mapagmahal na ina. Pero mahalaga ba talaga ang edukasyon? Bakit? Bakit ito mahalaga?... kapag marunong kang bumasa at sumulat ay sapat na iyon!” Ito ang sabi ng ilan. Sa unang pagtungtong ko sa paaralan, ano nga ba ang aking natutunan? Oo,ang pagbasa’t pagsulat! Iyan ang aking natutunan pero sapat na nga ba ito? Pwede na nga ba akong makakuha ng magandang trabaho sapagkat taglay ko na ang mga bagay na ito? Tiyak na hindi! Marami dyan na kumuha at nakatapos ng mataas na edukasyon, pero ano? May nakuha ba silang magandang trabaho?... oo, ang edukasyon ay mahalaga rin naman sa paanoman. Tama,hindi nga ito mananakaw ng sinuman pero hindi ito garantiya sa ating magandang kinabukasan… masayang mag aral, masarap matuto kasama ng iyong mga kaibigan. Hangad ko ang matapos ang aking kinuhang kurso, mapasaya ang aking mga magulang dahil hindi ako nagsayang ng dugo’t pawis na kanilang pinuhunan.
AnG mGa FiLiPiNo
Ang pag-ibig ay damdamin upang puso’y pag pintigin,
Sa pag suyong mataimtim,at ang diwa ay gisingin sa sigliwa ng paggiliw.
Maraming uri at antas ang pag ibig.Ang pinaka mataas na uri ay ang pag –ibig sa Diyos at ang pinaka mababang pag-ibig naman ay ang pag-ibig sa sarili.Sa pagitan ng dalawang uring ito,masusumpungan ang pag-ibig sa bayan,sa asawa,sa magulang,sa mga kapatid,sa kasintahan at sa mga kamag anak.
Sa ilalim ng kategoryang pag-ibig,mababasa ang kahulugan ng alaala, pagpapahalaga, pagtatapat, panunumpa, pamumulaklak at pagbubunga ng pagsinta at pag-irog.May roong ding pagsisimula, pagapaptuloy, at pagwawakas ang paglalakbay ng pag-ibig sa buhay ng tao.
Ang pag-ibig ay katulad ng bahaghari na may iba’t ibang kulay.Sa una’y matamis ang pagsasama subalit sa kalauna’y tumatabang at umaasim.Mayroon naman nananatili ang pagtitinginan hanggang sa wakas ng buhay ng ma-gasawang ang puso at pag-ibig ay laging magkaugnay at magkasama.Isang halimbawa nito ang pag-ibig ni Kristo na siyang tumubos sa kasalanan ng tao.Ang pagtatapat ng tunay na laman ng puso sa napupusuan ay ang unang hakbang patungo sa pag-iisang dibdib.Ang pagpapahalaga sa isang bulaklak ay pagsasa-alang-alang sa kaputian, kagandahan, at kapurihan ng isang dalaga, na dapat igalang ng pusong umiibig.Ang paglubog ng araw sa look ng Maynila sa panahon ng takipsilim ay isang likas at magandang senaryo para sa dalawang pusong nagkakaintndihan at nagkakaunawaan.Ang matagumpay na pagdiriwang ng ika-50 taong anibersaryo na mag-asawa ay pambihirang pagkakataong matamasa ng may mapapalad na puso at diwa sa takbo ng buhay.Ang daloy ng luha ay likas na kumakatawan sa kaligayahan o kalungkutang dinaranas ng isang tao sa kanyang pakikipamuhay sa daig-dig ay nag-iiwan ng mariing bakas sa gunita habang inaalala ang matuling pagtalilis at paglipas ng mga taon sa talaarawan ng panahon.
Ang aliw at kasiyaham dulot ng pagtanggap sa inaasam na sulat, lalo na sa panahon ng kalungkutan at pag-iisa ng tao ay parang mabangong balsamong nagpapagaan sa dusa at nagpapasigla sa pagkabalisa at di mapalagay na kaluluwa at kalooban.
Mr.pusa
L .daw
PAG-MAMAHAL
Pag-mamahal
ikaw ano ang pagmamahal
para sayo?
Ang bawat tao ay kailangan ng pag-mamahal.
Ito ang isang kaugalian ng mga Pilipino na hindi mo
ma-aalis sa bawat isa.
Ngunit anu nga ba ito.
Ito marahil ang isa sa mga magandang katangian natin.
Ito ang mag-papakita sa ating mga mahal sa buhay kung
gaano natin sila pinahahalagahan.
Ngunit ikaw,oo nga ikaw.
Marunong ka bang mag-mahal.
Oo nga nag-mamahal ka,pero
pinahahalagahan mo ba ito.
Dahil ngayon,ang mga kabataan ay iba-iba na ang ugali,at mga iniisip tungkol dito.
Marahil marami satin ang nakaka-alam sa salitang 'Emo'.
Ito ang mga kabataan na masyadong pinapahalagahan ang pag-mamahal.
Alam natin na ang mga ito ay nag-papakamatay o kaya naman ay kung anu-ano ang ginagawa sa sarili.
Naandyan ang pag susugat nila sa sarii.
Ngunit ito ba ay tama.
Hindi naman kailangan ng mga ito para ikaw ay mag-mahal.
Kailangan mo lamang ay mahalin muna ang iyong sarili,bago ang iba.
Alam ko ang mga nararamdaman ng mga 'Emo',dahil kahit maniwala kayo at hindi ay 'Emo' rin ako.
Kaya pinapayo ko sa inyo mga kapatid,kamag-aral,pahalagahan natin ang pag-mamahal.
Dahil kung hindi dito,sigurado wala tayo dito sa ating kina-tatayuan ngayon.
Dahil sa pag-mamahal na ito ay nakita natin kung gaano tayo pinapahalagahan ng ating mga magulang.
Kaya ang payo ko lang sa inyo ay mahalin natin ang ating mga magulang,dahil kung hindi nila tayo mahal ay sigurado ay wala tayo sa eskwelahan o saan man.
Kaya ang payo ko lang sa inyo ay mahalin natin ang magulang,ka-iskwela,guro at ang mga tao sa ating paligid,matuto din tayo na mahalin ang ating mga kaaway,tulad ng pag mamahal natin sa ating sarili at kung sino man.
MARJHON W.CALLOS
"ELEKSYON"
ni Aemmanuel D. Ong
Ikaw, Sigurado Ka Bang Magagampanan ng mabute ang trabaho ng iboboto mong kandidato para sa eleksyon? Malapit na naman ang eleksyon. Mga kandidato na naman, mga pangako na naman. Ngunit hindi naman natutupad kapag sila'y naupo na. Kelan ba matatauhan ang mga taong bayan? marame sa atin binoboto ang mga kandidato na mahilig mangako na napapako.
Sa panahon kasi nagun, marameng mga botante ang binabayaran ng patago kapalit ng boto. Hindi sila nag-iisip ng mabute. Hindi nila naisip kung kaya bang gampanan ng kandidatong bumili ng boto nila ang magiging trabaho nila.
Ayan na panay-panay na ang TV ads ng kandidato halimbawa na ang sa pagka-pangulo. Pagalingan sa TV ads at sa mga mabubulaklak na salita. Ngunit hindi mo naman nasisiguro kung kaya nilang gampanan ang pagiging pangulo.
Ilang buwan na nga lang ay eleksyon na. Matauhan sana ang bawat isa sa atin. Huwag padala sa mga pangakong napapako. "DIGNIDAD", yan ang katangian na hindi dapat maalis sa isang tao. Huwag padala sa pera o vote buying. Isipin mo kung mananalo ang kandidatong napili mo at hindi niya nagampanan na maayos ang kaniyang trabaho, di ba't laking pagsisisi mo iyon?
Imbis na umangat lalo pang lulubog ng lulubog ang ating bansa, at mas lalong rarame ang maghihirap sa ating bansa. Panahon na para mag-isip isip at gumising sa katotohanan. Tamang pagpapasya, Tamang pagpili, Tamang pagboto. Susi para sa kaunlaran ng bansa.
Paalam: Sa Ina ng Demokrasya-april dianne abayari
Magandang araw sa inyong lahat. Marahil ay batid ninyo kung bakit tayo natititpon ngayon. Bibigyan natin ng parangal ang isang taong nagsilbing daan upang makamit natin ang “Demokrasya” ng ating bansa. Siya ay walang iba kundi si dating Pangulong Corazon Aquino. Kung natatandaan natin nang mapaslang ang asawa niyang si Benigno “Ninoy” Aquino, namulat ang mga mata ng sambayanang Pilipino laban sa maling pamamalakad ng dating Pangulong Ferdinanad Marcos. Matapos ang tatlong taong pagkamatay ni Ninoy, tumakbo bilang presidente si Cory at siyang naging dahilan ng pagkakatalsik ni Marcos sa MalacaƱan.
Si dating Pangulong Aquino ay hindi lang masasabing presidente ng Pilipinas, siya ay maituturing ding ulirang ina at aktibo din sa pagtulong sa ibang Pilipino, kahit siya’y wala na sa pulitika.
Noong nakaraang taon, na-diagnose siya na may “colon cancer”. Mahirap ang pinagdaanan niyang proseso sa pagpapagamot ngunit dahil sa siya ay isang matapang at matatag na tao at dahil din sa suporta ng kanyang pamilya, pinilit niyang kayanin ang lahat. Ngunit isang araw, ginulat na lamang tayo ng balitang si dating Pangulong Aquino ay pumanaw na sa sakit na cancer. Hindi lang pamilya niya ang nagluksa at nagdalamhati, maging ang sambayanang Pilipino at maging ang iba ding karatig bansa ng Pilipinas.
Sa pagkamatay ng isang taong tinaguriang “Ina ng Demokrasya, sana’y magsilbi siyang inspirasyon sa ating lahat. Ipagpatuloy natin ang malinis at marangal niyang hangarin para sa makabuluhang pagbabago ng ating bansa. Ang pagbabago ay nasa kamay mismo nating mga Pilipino.
Kung saan ka man naroroon dating Pangulong Cory, salamat sa iniwan mong magagandang alaala. Paalam at muli, Maraming Salamat.
"Ayun si Kabataan"-Kris Ann Alcos
"Ang kabataan ang pag-asa ng bayan". yan ang mga katagang binitiwan ng ating pambansang bayaning si Jose Rizal na tumatak na sa ating mga isipan. Ngunit may mga tanong din na hindi natin maiwasang maitanong sa ating mga sarili. "sa paanong paraan? kailan ba tunay na magiging pag-asa ang mga kabataan?". Ngunit nasaan ang pag-asang iyon?doon sa bar?sa kanto?sa kung saan saan, nag iinom, naninigarilyo at ginagawa ang kanikanilang bisyo. Anong pag-asa ang maibibigay nila sa ating bayan? Kung iba man, ang ibang mga mas bata pa, ayun, nandun sa kalye, namamalimos para lang may makaen, hindi nakakapag-aral. Sa tingin mo anung kinabukasan ang naghihintay para sa kanila? meron pang iba dyan. Mga kabataang may tirahan nga, may mga magulang ngunit minamaltrato at pinapahirapan naman ng mga taong dapat na gumagabay sa kanila. Mga taong dapat sana'y nag tuturo sa kanila ng mga kabutihang asal. Mura dito, mura lang doon. Mga salitang hindi dapat kagisnan ng mga batang mura pa ang isipan. Kaya ayun si kabataan, nadala na ang bahong ibinahagi ng kanyang mga magulang at hanggang sa sya ay lumaki at magkapamilya. Mapapatunayan pa kaya natinang mga salitang iniwan ni Rizal? May pag-asa pa kayang naghihintay sa ating inang bayan? Sigurado namang meron pa. Madami pa naman dyang iba na may pakialam sa ating bansa. Ayun si mabuting kabataan o, naghihintay na lang na sumunod ka at gawin ang tama...
“Ang masamang dulot ng Droga sa ating Lipunan”
ni Christine Eliza A. Garcia
Maraming kabataan ngayon ang nagamit ng bawal na gamot, Pero ano nga ba ang dahilan kung bakit ang mga kabataan ay nalululong dito? Ayon sa aking nakikita at naririnig sa mga balita ang pangunahing dahilan ng mga kabataan ngayon ay problema sa pamilya at kawalan ng sapat na edukasyon. Ilan lamang yan sa maraming dahilan ng kabataan kung bakit sila nagamit ng droga.
Ngunit alam ba nila kung anong masamang dulot ng droga sa kanilang kalusugan? Marahil ay hindi nila alam ang masamang dulot nito, kaya sila gumagamit ng droga. Kaya kailangan nating maimulat ang mga mata ng mga kabataan na ang paggamit ng droga ay nakakasama sa ating kalusugan. Ito ay nakakasira sa kanilang munting isipan at nagdudulot din ito ng masamang epekto sa kanilang pangangatawan.
Ang panahon ng paggising ay ngayon. Ang droga ay isang salot sa ating lipunan. Kailan pa kayo magbabago pag huli na ang lahat? Kaya kailangan nating itanim sa ating mga isipan na ang paggamit ng droga ay isang malaking pagkakamali na gagawin mo sa iyong buhay. Tandaan po sana natin na ang DROGA ay isang problema na hindi mo dapat papasukin sa iyong buhay.
Saturday, August 29, 2009
"Edukasyon, Pagpahalagahan"
Ano ba ang ibig sabihin ng pagtatapos ng pag-aaral?
Para sa akin ang pagtatapos ay hindi lamang pagkumpleto sa labin-apat na taong pag-aaral. Ito ay ang pagtataguyod ng isang matatag na pundasyong sapat para sa atin upang makabuo ng isang m agandang kinabukasan at magandang buhay.
Sinasabing ang edukasyon daw ay isang magandang pundasyon para sa matatag na republika. Nagpapahiwatig ito na ang ating Republika, upang maging matatag ay kailangan ng matatag at nagkakaisang mamamayan, may sapat na kaalaman, at produktibo.
Tayong mga kabataan ang sususnod na mga mamamayan ng ating bansa. At ako ay lubos na naniniwala na ang pagpapalawig ng edukasyon ang siya nating magiging armas tungo sa mataas na antas ng ating pamumuhay. Tayo dapat ang susunod na henerasyong huhubog sa kinabukasan ng ating bayan.
Kaya naman nalulungkot ako sa tuwing nakakakita ako ng mga batang gusgusing pagala-gala sa kalsada. Namamalimos, naglalako ng diyaryo, sampagiuta at kung minsan ay nagbebenta na rin ng aliw at mga nagdodroga. Dapat ay nasa paaraln sila kagaya natin. Nag-aaral. Kawawa naman ang mga batang ganito. Paano magiging pag-aasa ng ating bayan tayong mga kabataan kung marami sa atin ay nabubuhay sa lansangan at hindi nakakapag-aral?
Ang mga kabataang kagaya natin ay hindi nararapat sa lansangan lamang. Nararapat lamang na magkaroon tayo ng maayos na tahanan, maayos na pananamit at maayos na edukasyon. Sa pamamagitan ng edukasyon, malulunasan ang kahirapan ng ating bayan.
Marahil ang bawat isa sa atin ay hiindi pa napagtatanto kung gaano tayo kapalad sa buhay. Nakakapag-aral tayo at nabibiyayaan ng mga pang-araw-araw na pangangailanag. Maraming pagkakataon ang naghihintay sa tin spagkat nalininang at naturuan tayong maging huwarang mag-aaral at maging mabuting mamamayan sa hinaharap.
Kaya naman, sa ating mga kabataan..huwag nating sayangin ang pagkakataong ibinigay sa atin ng ating mga magulang upang tayo ay makapag-aral at magkaroon ng isang magandang kinabukasan. Mag-aral tayong mabuti bilang paghahanda sa hinaharap, at bilang tulong na rin sa ting bayan.
Maging huwaran tayo sa isa’t isa upang sa gayon ay ipagmalaki tayo ng ating mga magulang, mga kaibigan at ng ating bayan. Maglingkod tayo at maging ehemplo sa nakararami, upang makapag-iwan tayo ng isang magandangkontibusyong kikilalanin ng ating bayan at ng buong mundo.
--Maria Camille M. Kato--
Malapit na ang eleksyon, ,marami sa atin ang mayroon ng kandidatong na pipisil upang maging pinuno. Pero pano ba talaga ang pag pili ng mahusay na pinuno?? Ito ba ay sa pagtingin ng estado sa buhay? , sa antas ng pinag aralan? , narating sa buhay? O dahil kamag anak natin?.
Ilan lamang yan sa mga batayan natin sa pag pili sa ating mga pinuno.
Pag ang pinuno ay corrupt nais nating palitan ng bagong pinuno na matino lamang sa umpisa ngunit sa kalaunan’ay magiging corrupt din pag lipas ng panahanon ng kanyang panunungkulan. Hindi ku sinasabi na ang lahat ng mga kandidato ay corrupt kaya kailangan nating maging mapanuri pag dating sa bagay na katulad ng pag pili sa ating mga pinuno.
Sa aking pananaw walang magaling na pinuno hanggat lahat tayong mga pilipino ay hindi marunong sumunod sa ating mga batas. Na ang karamihan sa atin ay pilit sinisisi ang kahirapan sa gobyerno hindi din ba natin na isip na imbes na tayo ay mag welga ay pag butihin na lang natin ating trabaho? Na imbes na gumawa ng masama upang maka lamang sa iba ay mag hanap ng matinong trabaho? At sa mga kabataan, wag nating isa walang bahala ang edukasyon hindi matutumbasan ng kahit anong bisyo ang kaligayahan pag ikaw ay may narating sa buhay. Wag mong hayaang masira din ang buhay ng iyong magiging mga anak.
kaya ngayong darating na eleksyon bago natin hanggarin ang isang malinis at maunlad na bayan, simulan natin ang pag babago sa ating mga sarili dahil ang bayan na maunlad ,masagna at masaya ay bayan ng mga nag kakaisa. Maraming salamat po
"Maagang Pag-aasawa"
Mga kababayan, hindi kaila sa atin ang suliranin ng ating bayan. Ito ay ang maagang pag-aasawa ng ating mga kabataan. Minsan ba naitanong natin sa ating mga sarili kung saan o kung anu-ano ba ang pinagbuhatan ng maagang pag aasawa ng mga kabataan?
Siguro nga hindi natin lubos na maisip sapagkat may kani-kaniya ring suliranin ang bwat pamilya. Kaya’t hindi natin pinagtutuunan ng pansin ang ganitong problema ng ating bayan. Iniisip ng ilang mga kabataan na masarap, masaya kapap ginawa nila ang bagay na tanging mag-asawa lamang ang gumagawa nito. Alam niyo naman siguro mga kababayan kung anu ang aking tinutukoy.
Oo nga’t masarap, pakiramdam mo nasa langit ka subalit pag nariyan na ang responsibilidad ng pagiging isang ina’t isang ama, saka lamang nila mauunawaan ang pagkakamali na kanilang ginawa. Nakakalungkot isipin na meron naman ibang kabataan na masolusyonan lamang ang kanilang problemang kanilang kinakaharap ay ipapa-abort nila ang sanggol na walng kamalay-malay. Akala nila dahil doon ay matatapos na, ang hindi nila alam, hindi lamang sila nagkasala sa mata ng tao ngunit higit sa mata ng Panginoong Diyos. Hindi lamang yon, susundutin din sila ng kanilang konsensiya. Isa pa sa nakalulunos ring isipin ay kung ano ang kahahantungan ng kinabukasan ng kanilang magiging supling, sapagkat hindi man lamang nakatapos sa pag-aaral ang kaniyang mga magulang.
Sana nga kababayan, naiisip ito ng mga ilang kabataan na nalilihis ng landas. Kaya nga kababayan, lalong higit sa mga mahal na magulang, sama-samsa po tayo sa pagsugpo sa ganitong uri ng problema ng ating bayan. Ang naiisip ko pong hakbangangin ay ipaliwanag natin sa kanila ang masamang bunga ng maagang pag-aasawa. Halina mga kababayan, tayo’y magkumahog sa pagsulong ng ating adhikain upang mailayo ang ating mga kabataan sa maagang pag-aasawa.
--Arlene E. Tiongson
"Global Warming o Pagbabago ng Klima sa Mundo"
Kung mapapansin natin sa mga nagdaang araw,buwan at taon ng mga kalamidad na nangyari dito sa bansa at maging sa buong mundo ay patuloy sa pagiging malupit at mapaminsalang kalikasan sa ngayon.Tulad halimbawa ng bagyo,lindol,tsunami at biglaang pagtaas ng temperatura at iba pang kalamidad na maiuugnay natin sa patuloy ng pagbabago ng klima sa mundo.
Malaki ang kaugnayan ng tao sa tinatawag nating Global Warming at kasabay ng patuloy na pag-unlad ng ating pamumuhay at patuloy na paggamit ng tao sa makabagong teknolohiya ay kasabay din na nasisira ang ating kalikasan tulad ng patuloy na pagdami ng mga sasakyan,mga pabrika na nagbubuga ng maitim na usok o carbon monoxide o pag-uuling na nagreresulta ng carbon dioxide na sya namang sumisira sa ating ozone layer.Ilan lang yan sa mga halimbawa ng pagbabago ng klima na kaugnay ang tao.
Marami tayong magagawa upang kahit papaano di man tuluyang maibalik sa dati ang tamang klima sa mundo,maibsan man lang o mabawasan sa pagkakaron natin ng tamang disiplina sa sarili at tamang paggamit ng kalikasan.
Mahalin natin ang ating likas na yaman sa pakikiisa natin sa mga programa ng pamahalaan na naglalayong mapangalagaan ito. Salamat po...
--Micah Iryse Reyes
Lima taon gulang pa lang ako sinimulan kung mag aral. Upang tuparin ang akin pangarap at pangarap sa akiin ng akin magulang. Pangarap kong makatapos ng akin pag aaral,gusto kong baguhin ang takbo ng buhay ko, gusto ko makaahon sa putik na aking kinasasadlakan. Pangarap, libre lang ang mangarap. Ikaw, kayo, nangangarap din ba kayo? Kasabay ng pagtupad sa aking pangarap, nandyan ang mga balakid. Ako’y biglang nalingat naaliw at nagsaya. Ngunit biglang napaisip pangarap ko maaabot pa ba, kung ako’y laging magsasaya.? Madami ng tao ang sumubok mangarap pero ilan lang ang pinalad makamit ang kanilang minimithing pinapangarap. Ikaw hindi ka ba nagtataka kung bakit sa dami ng nangangarap iilan lang ang pinalad makamit ang kanilang pinakamimithi pangarap? Ako hindi na ako nagtataka dahil sa dinami rami ng nga balakid at pagsubok na kinahaharap ng marami. Hindi naman masama ang mangarap nga paulit-ulit, ika nga "libre lang ang mangarap" ngunit ang pangarap ay hind makukuha sa ganda at taas ng ating pinakamimithing pangarap. Ito ay ating mapagtatagumpayan kung itoy' ating paghihirapan at pagsusumikapan. At ako, hindi ako susuko. Pangarap ko, pangarap natin, tara sama-sama nating abutin.!!
-Joycell G. Toque
"Pagpapagal Ng Mga Magulang Ay Pahalagahan"
Isa lamang ito sa mga pangyayaring tunay na nagaganap sa buhay natin. Marahil napapansin natin ang ilang kabataang naninigarilyo, umiinom ng alak at nagsusugal. At pinakamasaklap sa lahat ay gumagamit ng bawal na gamot. Ang ilan ay nagbubulakbol sa eskwela. Sa halip na pumapasok ay nasa mall o nasa computer shop lamang.
Sana'y maisip ng mga anak ang pagpapagal ng mga magulang na sa bawat sigarilyong kanilang hinihithit at alak na kanilang iniinom ay iyon ang dugo't pawis ng kanilang mga magulang.Ilang pagkain ang kanilang hindi kinain at sariling pangangailangan ang hindi binili, mailaan lamang ang salapi para sa pngangailangan ng kanilang mga anak. Sila ay nagsisikap para sa kanilang anak upang magkaroon ang mga ito ng magandang buhay.
Subalit nakalulungkot isipin na maraming mga anak ang hindi nagpapahalaga at kadalasa'y hindi nila nakikita ang pagpapagal ng mga magulang. Nais kong makintal sa isipan ng mga anak ngayon na pagdating ng panahon, tayo ay magiginga magulang din. Darating ang panahon na mararanasan din natin ang hirap na kanilang dinadanas kung tayo ay magpapabaya ngayon. Saka lamang natin mauunawaan ang tunay na kahulugan ng pagiging isang magulang. Mga anak na tulad ko! pahalagahan natin ang pagpapapgal ng ating mga magulang. Magsikap tayo habang maaga pa nang sa gayon, tayo ay maging matagum,pay sa pagdating ng panahong tayo ay mga magulang na at maging magandang ehemplo sa ating mga anak.
-- Joy B. Ortega
NASAAN ANG KAUNLARAN?
Ang Pilipinas ay sagana sa likas na yaman. Ang nakasaad sa mga aklat tungkol sa ating bansa, nasa Pilipinas ang ilang magagandang tanawin na maipagmamalaki, mga kakaibang likas na yaman na kamangha-mangha at ang mga matatalino at talentadong mamamayan at kabataan.
Ngunit sa kabila ng magagadang katangian meron ang pilipinas, Bakit lugmok pa rin ito sa kahirapan? Sino ang dapat sisihin? Ang mga binigyan ba ng kapangyarihan mamuno sa mga mamamayan? O ang mga pilipino na hindi marunong sumunod at magpahalaga sa batas? Baka naman ang mga kabataang kinabukasan? Nasaan na ang pagkakaisa ng mga Pilipino? Wala na….
Umusad nga ang ating ekonomiya, pumaimbulog ang mga bagong tuklas ng siyensya ngunit tila wala pa rin kaunlaran na nagaganap.
Ang mga bingyan ng kapangyarihan mamuno na dapat sana ay tutulong sa ating inang bayan ang siya pang nangunguna sa paglabag sa batas. Nilulustay ang pera ng bayan na mas may patutunguhan kung gagamitin sa ikauunlad ng bansa.
Ang mga propesyonal na dapat ay isa sa aahon sa pagkalugmok ng ating bayan ay unti-unting nawawala dahil sa kakulangan ng trabaho at di sapat na kita. Sila ay naglilipana papunta sa ibang bansa. Sila na dapat sana ay nagbibigay ng magandang pangalan sa pilipinas sa ibang bansa na naninirahan.
Ang mga mamamayan na dapat sana ay tumutulong sa kaunlaran at katahimikan, sila pa ang nagdadala ng gulo sa ating bayan.
Ang mga kabataan na tinaguriang pag-asa ng bayan, tila wala na sa mga lansangan, sa mga sakayan ng jeepney at bus, diba at nakikita natin silang namamalimos? Na sa murang edad ay nababanat at nasasabik na ang kanilang buto sa kahirapan at kadalasan nagdudulot sa kanila ng maling kaisipan at masasamang gawa. Dapat sana ay tinutulungan natin sila na makapag-aral ng sa gayon ay may magandang patutunguhan ang kanilang buhay at magkaroon ng tunay na kahulugan na ang kabataan ang pag-asa ng ating bayan.
Sino ang tutulong sa ating inang bayan na umahon sa pagkalugmok nito sa kahirapan? Tayo! Tayong lahat, hindi lamang ang mga kabataan na ating inaasahan, hindi lamang ang mga binigyan ng kapangyarihan mamuno sa atin, kundi lahat ng mamamayan ng Pilipinas. Muling buhayin ang pakakaisa nang sa gayon makamit natin ang hinahanap na katahimikan at kaunlaran.
--Hainnah G. Padugar
Ang Buhay ng Pinoy
Ang kabuhayan ay ang pinansyal na pinagkukunan ng panustos sa pangaraw-araw na pangangailangan.
Ika nga, wala nang libre sa panahon ngayon. Sa hirap ng buhay dito sa Pilipinas, isang kayod isang tuka na ang mga tao. Pero kung babalikan, ang kabuhayan ng ating bansa noon ay mas madali kumpara ngayon. Noon, kahit ang mga taong hindi nakapagtapos ng pag-aaral ay nakakahanap
pa rin ng maayos na kabuhayan. Masagana pa ang mga kabuhayang kagaya ng simpleng pagasasaka, pangingisda o pagyayari ng mga produktong sariling atin. Ngunit ang mga kabuhayang ito ay nagiging “third-class” na dahil karamihan ng mga Pilipino ay nagnanais magkaroon ng trabahong diploma sa kolehiyo at pasaporte sa pag-aakalang ito ang magiging tulay sa magandang kinabukasan.
Tuloy, sa daming taong nakakapagtapos bawat taon, nagiging limitado ang mga bakanteng posisyon at patuloy na tumataas ang bilang ng mga walang trabaho. Isang dahilan ang pagkakaroon ng mataas na “qualification requirement”. At pangalawa, ito ay sanhi na rin ng mabilis na pagtaas ng bilang ng “supply”, kung ihahambing sa bilang pangangailangan.
Dahil sa hirap makahanap ng kabuhayan ngayon, marami sa ating mga kababayan ang nangingibang bansa. Kahit ang mga taong nakapagtapos ng pag-aaral, napipilitang kumuha ng mga trabahong hindi ayon sa kanilang natapos na kurso para makaahon sa kahirapan ng buhay dito sa bansa.
Ang malaking tanong, bilang Pinoy, ano ang maibabahagi mo sa bansa natin?
-Jay Aldwin Alipio